WATCH: Mag-live in partner, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Marikina

     2 weeks ago
34
Leave a Comment
4 SHARE

Iyak ng iyak ang mga kaanak ng mag-live in partner matapos makita ang mga nakabalot sa cadaver bag na mga bangkay ng mga ito sa Bonanza Phase 2, Barangay Fortune, sa lungsod ng Marikina.

Dead on the spot ang mga biktimang sina Dante Aton alyas Toto, tatlumput isang taong gulang; at kinakasama nitong si Cherry Manzan, tatlumput isang taong gulang na tatlong buwang nagdadalang tao.

Ayon sa ina ng biktima, nanonood siya ng TV sa unang palapag ng bahay nang makarinig siya ng kalabog sa second floor kung saan natutulog ang mga biktima.

Matapos ang ilang segundo ay nakarinig na siya ng apat na magkakasunod na putok na sa una ay hindi niya inakalang baril.

READ  MPD hihingin ang tulong ng Interpol para ma-locate si Ralph Trangia

Ayon naman sa tiyahin ni Manzan, sinabi ng kanilang mga kapitbahay na maraming mga naka-bonnet at mask ang nasa lugar bafo mangyari ang insidente.

Ngunit ayon sa kaibigan ni Aton, simula nang magsama sila ni Manzan noong 2014 ay tumigil na ito sa paggamit ng iligal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments