WATCH: Pacquiao, namigay ng pera sa mga kapitbahay sa General Santos City

     5 months ago
72
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi man nanalo si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa katatapos na laban kay Jeff Horn sa Australia ay nagbahagi pa rin ito ng kanyang kinitang pera sa mga kapitbahay sa General Santos City.

Sa isang video na naka-post sa kanyang Facebook account, makikita na namimigay si Pacquiao ng pera sa mga kabataan.

Mapapanood sa video ang mga nakapilang bata kung saan ang iba pa dito ay kasama ang kanilang magulang sa harapan ni Pacquiao.

Maririnig pa ang pambansang kamao na sinabi ang mga salitang “this is why I fight” habang nagbibigay ng pera.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkatalo ni Pacquiao sa laban nila ni Horn sa Brisbane Australia kung saan unanimous ang naging desisyon ng mga hurado.

READ  Kamara nagbabala ng constitutional crisis sa SC

Matapos ang nasabing laban, agad na dumiretso si Pacquiao sa GenSan na kanyang hometown.

Source link

0 SHARE

Post Comments