WATCH: Pampasaherong bus, bumangga sa ilalim ng overpass sa Muñoz, Quezon City

     3 months ago
26
Leave a Comment
4 SHARE

Basag ang salamin ng isang pampasaherong bus matapos nitong bumangga at sumuksok sa ilalim ng isang overpass sa Barangay Apolonio Samson, Muñoz, Quezon City.

Ayon sa driver ng Buenasher Transport Corporation bus na may plakang ABQ 1406 na si Albert Sabio, hindi naman siya nakatulog sa pagmamaneho.

Hindi nakita ng kundoktor ng bus na si Randy Purganan ang insidente dahil naniningil siya ng kanilang walong pasahero.

Dagdag pa nito, mabagal lamang ang kanilang takbo.

Ngunit ayon kay Police Chief Insp. Erlito Renegin, Commander ng Quezon City Traffic Sector 1, kung titingnan ang pagkakabangga ng bus sa overpass ay imposible na mabagal lamang ang takbo nito.

READ  Pulis na may koneksyon umano sa ASG, pinakakasuhan ni Bato

Maswerte namang walang nasaktan at nadamay sa aksidente at kaagad na-itransfer ang mga pasahero sa isa pang bus unit ng Buenasher.

Narito ang report ni Justinne Punsalang:


 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments