WATCH: Pananaksak sa isang tricycle driver sa Sampaloc, Maynila, sapul sa CCTV

     2 months ago
23
Leave a Comment
2 SHARE

Sapul sa CCTV ang pananaksak sa isang tricycle driver sa Ramon Magsaysay Blvd. sa Sampaloc, Maynila.

Kitang-kita sa video nang undayan ng saksak ng suspek na kinilala lamang sa alyas na ‘Melvin’, isang magtataho ang 17-anyos na biktimang si alyas ‘JL’ na noo’y ipinaparada ang minamanehong tricycle.

Tatlong beses na inundayan ng saksak ng kitchen knife ang biktima na tumama sa kaliwang braso nito.

Ayon kay Barangay Chairman Danny Espino ng Brgy. 581, nagalit umano ang suspect sa biktima dahil maingay ang tambutso ng tricycle nito.

Ayon kay Espino, madalas napapaaway ang suspek kapag nalalasing ito.

Inabot pa ng ilang oras ang habulan, pero bigo ang mga pulis at mga tauhan ng barangay na maaresto si alyas ‘Melvin’.

Pero nasukol ng pulisya ang kasama ni Melvin na si Pablo Canonce, na umano’y tumulong sa suspek para makatakas.

READ  Supt. Marcos, pwede pang mapromote-PNP Chief

Depensa naman ni Canonce, hindi niya alam na nanaksak si ‘Melvin’ at naranta lamang siya nang makarinig ng mga kalabog habang natutulog.

Nakuha sa crime scene ang kitchen knife na ginamit sa pananaksak.

Dinala na sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang nasugatang biktima.

Nagpapatuloy naman ang pursuit operation ng Sampaloc Police upang mahuli ang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

2 SHARE

Post Comments