WATCH: Pangulong Duterte, naging emosyonal sa pagharap sa mga sundalo sa Marawi

     4 months ago
54
Leave a Comment
11 SHARE

Naging emosyonal si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasalita niya sa harap ng mga sundalo sa Marawi City nang bumisita siya kahapon sa Camp Ranao.

Napatigil sa pagsasalita ang pangulo nang banggitin niya sa tropa ng pamahalaan na siya ay nasasaktan tuwing mababasa niya araw-araw ang update sa bilang ng mga nasawing sundalo at sibilyan.

Ayon sa pangulo, kahit alam niyang delikado, pinilit niyang makarating sa Marawi sa kasagsagan ng bakbakan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na pantay lang naman ang kahalagahan ng buhay niya at buhay ng mga sundalo at pare-pareho silang handang mamatay para sa bayan.

Sa kasagsagan ng kaniyang pagsasalita sa harap ng mga miyembro ng 103rd infantry brigade ng 1st Infantry Division of the Philippine Army sa Camp Ranao ay may naririnig pang mga putok at pagsabog.

READ  Ilang manggagawa, inaabangan ang “surprise Labor Day gift” ni Pang. Duterte bukas

Source link

11 SHARE

Post Comments