Watch! Sagot ni Bato kay De Lima: Magpalit tayo ng position your honor, ikaw maging chief PNP kung kaya mo

     11 months ago
1614
Leave a Comment
207 SHARE

Tinira ni Senator Leila de Lima nitong Lunes si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa Senate hearing nang tinanggi noon ni PNP chief ang taong nasa likod nang pagka-reinstate ni Supt. Marvin Marcos.

“Bakit hindi ninyo kaagad sinabi sa amin at sa publiko na ‘yung nag-utos sa inyo ay mismong ang Pangulong Duterte? Nagpaikot-ikot ka pa eh. Kumpare, ganyan ganyan,” sabi ni De Lima.

“We are trained not to divulge. Alangan naman sabihin ko kaagad, may rason si Presidente bakit niya pina-reinstate.”, sagot ni PNP Chief Dela Rosa.

Kamakailan inilabas ni De Lima sa media na si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang tumawag kay Dela Rosa upang ibalik si Supt. Marcos sa trabaho.

READ  Rare Photos of Jose Rizal That You Might Not Have Seen BeforeTrending News Portal

Idiniin ni De Lima si Dela Rosa kung bakit mahirap ilabas ang identity ni Pres. Duterte na sya ang nagpautos.

“Kung maipit, sasabihin ko. Magpalit tayo ng position your honor, ikaw maging chief PNP kung kaya mo,” sabi ni Dela Rosa kay De Lima.

Galit na galit naman na sinagot ni De Lima ang PNP Chief.

“Do not argue with me. I am not the one asking here. Do not argue with me! I’ve had enough of you, kayong lahat na mga nagsisinungaling.”

Post Comments