WATCH: Suspek sa pang-aararo sa mga sasakyan sa QC, lalaya na

     3 weeks ago
84
7 Comments
36 SHARE

Sa halagang P30,000 na piyansa, makakalaya na si Niño San Gabriel na suspek sa pag-araro sa isang motorsiklo at dalawang sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon kay Police Superintendent Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District Station 6, sumailalim na sa inquest proceeding si San Gabriel.

Samantala, ayon kay Richard Venturina ng Quezon City Anti-Crime Group, nakipag-areglo na si San Gabriel sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.

P90,000 ang ibinayad na danyos kay Venturina, bukod pa ito sa ibinalik sa kaniyang motor.

Depensa naman ni San Gabriel, lasing lamang siya kaya niya nagawa ang pang-aararo.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

READ  Higit 100 rebelde na-neutralize ng militar mula nang bawiin ni unilateral ceasefire


 

 

 

 

 

Source link

36 SHARE

Post Comments