WHO, itinanggi ang DOH statement na inirekomenda ang Dengvaxia sa dengue vaccine program

     7 days ago
10
Leave a Comment
3 SHARE

Wala pang ibinibigay na sagot ang Department of Health (DoH) sa naging tugon ng World Health Organization (WHO) office for Western Pacific Region kaugnay ng umano’y pag-indorso nila sa Dengvaxia vaccine.

Una nang sinabi ng DoH na inirekomenda ng WHO ang paggamit ng naturang bakuna sa kanilang dengue vaccination program pero mariin itong itinanggi ng organisasyon.

Sa isang statement, kasalukuyan na umanong ipinatutupad ang programa nang isapubliko ng WHO ang kanilang position paper kaugnay ng dengue vaccine noong July 2016 base na rin sa rekomendasyon ng Strategic Group of Experts (SAGE) on Immunization.

Ipinunto rin ng WHO sa kanilang position paper na hindi nila isinali sa kanilang rekomendasyon sa mga bansa na ma-introduce ang dengue vaccine sa kanilang national immunization programs.

READ  Russian Navy, bibisitahin ni Pangulong Duterte

Ang rekomendasyon umano ng SAGE ay puwedeng gamitin ang naturang bakuna sa mga lugar na malala na ang kaso ng dengue na aabot sa 70 percent.

“Rather, the WHO outlined a series of considerations national governments should take into account in deciding whether to introduce the vaccine, based on a review of available data at the time, along with possible risks. The WHO acknowledged in mid-April 2016 that these conditions appeared to be met in the three regions of the Philippines in which the dengue vaccination effort was already ongoing at that time, noting that the decision to roll out the vaccine had been taken by the DOH before WHO’s advice became available,” base sa statement ng WHO.

READ  US, Japan iba pa, nagbanta muli sa NoKor kasunod nang missile launch

Source link

Post Comments