Xi kay Duterte: ‘Di namin hahadlangan ang freedom of navigation sa West Phl Sea’

     2 weeks ago
13
Leave a Comment
0 SHARE

Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito hahadlangan ang freedom of navigation sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, inungkat ni Pangulong Duterte sa kanilang bilateral meeting ni Xi ang isyu sa Code of Conduct sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi naman ng pangulo ng China, magpapatuloy pa rin daw ang mga diskusyon at umaasa itong matatapos ito.

Una rito, sinabi ng Chief Executive na kailangan umano ng China ang isang Code of Conduct matapos ihayag ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang mga pangamba sa militarization sa West Philippine Sea.

READ  Pres. Duterte at Japanese PM Abe nanawagan ng mapayapang pag-uusap sa North Korea

Dagdag naman ni Roque, pinuri umano ni Xi si Duterte sa kanyang pamumuno sa ASEAN na tinawag nitong “leader by example.”

Sa isyu naman ng North Korea, sinabi ni Xi na hindi umano interesado ang China sa lumalalang tensyon sa nasabing lugar.

Aniya, hinikayat din nito ang United States at North Korea na pag-usapan ang nasabing isyu.

Samantala, nagpasalamat naman ang Pangulo sa China dahil sa ginawa nitong pagtulong sa Marawi City.

Kung maaalala, tinanggap ng bansa mula sa China noong mga buwan ng Hunyo at Oktubre ang mga Chinese-made assault at sniper rifles na nagkakahalaga ng P370-milyon.

Source link

READ  Kilalanin Ang Kakambal Ni Jinkee Pacquiao Na Piniling Mamuhay Ng Simple!

Post Comments