1 patay sa aksidente sa itinatayong gusali sa Maynila

     1 month ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

Isa ang kumpirmadong namatay matapos na bumagsak ang platform sa isang ginagawang gusali sa Lavezares street kanto ng Sto. Cristo sa Binondo, Maynila kaninang hapon.

Kinilala ang nasawi na si Rey Basares, construction worker sa nasabing gusali.

Kritikal din sa insidente ang kasamahan nitong si Eduardo Bernas habang nagtamo ng sugat at inoobserbahan sa pagamutan sina Efren Bantoto at Francis Bejo.

Base sa salaysay ng mga contruction worker na nakasaksi sa pangyayari, bumigay ang tinatayuang platform ng mga biktima sa 4th floor ng itinataytong establishemento.

Posibleng overloading ang sanhi ang insidente dahil may laman ding bakal at bato ang platform.

Iniimbestigahan na ngayon ng Manila Police District kung may pananagutan dito ang management at contractor ng construction site.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

4 SHARE

Post Comments