100 patay sa binombang political rally sa Pakistan

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Mahigit sa 100 katao ang patay kabilang ang lokal na kandidato nang pasabugan ang isang campaign rally sa bayan ng Mastung sa Pakistan.

Ayon sa ulat, inilagay ang bomba sa gitna ng maraming tao na dumadalo sa kampanya ni Baluchistan provincial assembly candidate Siraj Raisani.

Kinumpirma ng pamilya na kabilang si Raisani sa mga nasawi habang nasa isan-daan namang iba pa ang nasugatan.

Agad namang inako ng grupong ISIS ang nasabing pag-atake.

Nauna dito, isa pang campaign convoy ang inatake kung saan apat katao ang nasawi.

Nangyari ang mga pag-atake ilang araw bago ang national elections sa July 25.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments