12 drug suspects timbog sa buy-bust ops sa Laguna, Cavite

     5 days ago
21
Leave a Comment
3 SHARE

Arestado ang 12 drug suspects sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa probinsya ng Laguna at Cavite, Linggo ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng regional police office, target ng operasyon ang drug suspect na si Angela Borigas sa bahagi ng Barangay Canlalay sa Biñan, Laguna.

Maliban kay Angela, huli rin sa akto ang 10 pang kasamahan sa isinagawang drug transaction ng isang pulis na nagsilbing poseur-buyer.

Nakuha mula sa mga ito ang hindi bababa sa dalawang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,000.

Sa Cavite naman, inaresto rin ang drug suspect na si Rey Silvano sa Barangay Tanzang Luma 6 sa Imus.

Huli sa aktong nag-aabot ng isang pakete ng hinihinalang droga sa operasyon pasado 2:00 ng madaling-araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

3 SHARE

Post Comments