13 Russian at isang ahensya, inireklamo ng US grand jury kaugnay ng election conspiracy

     2 months ago
8
Leave a Comment
0 SHARE

Isang Russian Internet agency at 13 Russians na nangialam sa US election campaign mula 2014 hanggang 2016 ang kinasuhan ng US Special Counsel.

Sa 37-pahinang reklamong inihain ni Special Consel Robert Mueller, sinabi niyang ang nasabing pangingialam ay isang sabwatang pagsisikap na suportahan ang dating businessman at ngayo’y President Donald Trump at siraan ang kalaban nitong si Hillary Clinton.

Ayon kay Mueller, ang nasabing conspiracy ay nakapanggulo sa US election sa pamamagitan ng mga taong bumuo ng pekeng onlines personas para maglabas ng mga “divisive messages.”

Bumiyahe pa aniya ang mga ito patungong Amerika para lang mangolekta ng intelligence information at naglunsad ng mga political rallies habang nagpapanggap na mga Amerikano.

Dagdag pa ni Mueller, mayroong strategic goal ang Internet Research Agency ng Russia na magdulot ng hidwaan sa US political system, kabilang na ang mismong halalan noong 2016.

Ang nasabing indictment ay sumasalamin sa inilabas na assessment ng US intelligence community noong January 2017 na nanghimasok ang Russia sa halalan para lang manalo si Trump laban kay Clinton.

Samantala, ayon kay White House spokeswoman Sarah Sanders, alam na ni Trump ang tungkol sa naturang indictment na kaniya namang kinondena at tinawag na “witch hunt.”

Source link

0 SHARE

Post Comments