14 arestado sa magkakahiwalay na drug buy bust ops sa QC at Caloocan

     7 months ago
25
Leave a Comment
8 SHARE

Magkakasunod na drug operation ang ikinasa ng Quezon City Police District at Caloocan Police sa magkakahiwalay na lugar.

Sa Caloocan aabot sa walo katao ang nasukol ng mga otoridad na may kinalaman sa bawal na gamot.

Pito sa kanila ang inaresto makaraang maaktuhan silang nagpo-pot session sa BMBA Compound, Brgy. 120, Caloocan.

Nakilala ang mga inaresto na sina Jasue Eulin, Marvie Manlangit, Marjohn Balaoro, Crisalto Bueno, Jomar Dandan at sina alyas Toto at Rambo.

Kulong rin ang isang Mark Louie Fernandez alyas ‘Oweng’ na nagpakilalang asset ng pulis sa ikinasang buy bust operation ng Caloocan PNP.

Narekober sa suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at P300 buy bust money mula kay Fernandez.

Ayon kay S/Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan PNP, aminado ang mga naaresto sa maling gawi.

Sa Quezon City naman, umabot sa anim ang naaresto ng mga otoridad.

Ang anim sa kanila ay kinabibilangan nina Christian Papacuran Silverio, 20-anyos; Kim Papacuran Silverio, 22-anyos; Jeremiah Fernandez, 23-anyos; at Ian Spencer Rico Lapore, 18-anyos.

Nagsanib pwersa ang Batasan Police Station at Fairview Police Station para mag-kasa ng operasyon laban sa Silverio Brothers.

Ang mga nasasangkot ay nasa listahan ng drug personalities na nagbebenta umano ng marijuana sa Brgy. West Fairview, Brgy. Sta. Lucia at Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Nakuha sa apat ang 57 plastic sachet ng Marijuana na may street value na P50,000, 500.00 peso bill buy-bust money, assorted drug paraphernalia gaya ng 2 lighter, 2 pcs glass tube, at 1 glass pipe.

Samantala, dalawa naman ang naaresto sa Banahaw sa harap ng Ginato Building sa Brgy. San Martin de Pores, Cubao, QC, sa kinasang buybust operation sa pagkakaaresto nila John Sen Edralin Roxas alyas ‘Jhansen at isang Orland Tobias Benedito.

Nagpositibo ang operasyon matapos na makabili ng 500 pesos ng hinihinalang shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa mga suspek ang 8 pieces ng small heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride suspected shabu, 500 peso bill.

Source link

8 SHARE

Post Comments