14 sugatan sa pamamaril sa paaralan sa Florida; suspek dating estudyante ng eskwelahan

     6 months ago
22
Leave a Comment
4 SHARE

Hawak na ng mga otoridad ang lalaking suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Parkland, Florida.

Ayon kay Broward County Sheriff Scott Israel, hindi nila agad nailabas ang pagkakakilanlan ng nasabing suspek dahil sa kaniyang edad.

Pero kalaunan tinukoy ng isang opisyal na ang suspek ay 19 anyos na at nakilala base sa kaniyang ID na si Nicholas Cruz.

Dati umanong estudyante sa Stoneman Douglas High School ang nasabing suspek at inaalam pa nila sa ngayon ang dahilan ng pag-alis nito sa paaralan.

Umabot na sa 14 na ang kumpirmadong sugatan sa pamamaril na dinala sa Broward Health Medical Center at Broward Health North hospital.

Kinumpirma din ni Israel na may mga nasawi sa insidente pero hindi pa nila matukoy ang bilang.

Dahil sa insidente, nagpatupad ng lockdown sa eskwelahan at napasugod doon ang mga nag-aalalang magulang ng mga estudyante.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments