17 BIFF na isang sundalo patay sa Maguindanao encounter

     2 months ago
24
Leave a Comment
4 SHARE

(Update) CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa 17 ang nasawi sa mga terorista at isang sundalo sa nagpapatuloy na air to ground assault ng militar sa Liguasan Delta sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawing sundalo na si Pfc. Garry Quitor, tubong Pigcawayan, North Cotabato at nakatalaga sa 33rd Infantry Battalion Philippine Army.

Umakyat na rin sa 17 na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi sa inilunsad na law enforcement operation ng Joint Task Force Central.

Una rito, binomba ng tactical squadron ng Philippine Air Force gamit ang dalawang Agusta helicopter gunship at mortar fires mula sa 7th Field Artillery Battalion Phil. Army ang pagawaan ng bomba ng BIFF-ISIS inspired group at DAESH terrorist group sa hangganan ng Maguindanao at North Cotabato.

Resulta rin ito ng pagkahuli ng mag-asawang bomb-expert ng BIFF at pagkarekober ng mga improvised explosive device (IEDs) at matataas na kalibre ng baril at mga bala.

Lomobo na rin ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa mga apektadong lugar sa Maguindanao.

Hanggang ngayon ay patuloy na tinutugis ng Joint Task Force Central ang grupo ni Kumander Abu Wahid ng DAESH, Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraifie ang Emir umano ng BIFF-ISIS inspired group, kasama na ang mga dayuhang terorista sa Liguasan Delta.

Source link

Post Comments