17 na patay sa pamamaril sa Florida school; suspek 19-anyos na expelled student

     2 months ago
10
Leave a Comment
5 SHARE

(Update) Umabot na sa 17 katao ang patay sa naganap na pamamarili sa Marjory Stoneman Douglas High school sa Parkland, Florida.

Ayon sa mga otoridad, karamihan sa mga biktima ay namatay sa loob ng paaralan habang ang iba ginagamot sa ospital kung saan sila dinala.

Hawak na ng otoridad ang suspek na si Nicolas Cruz, 19, na isang dating expelled student ng nasabing paaralan.

Inaalam pang mabuti ng mga imbestigador ang motibo ng suspek sa nabanggit na krimen.

Kuwento ng ilang mga mag-aaral, pasado alas-tres ng hapon oras sa Florida (4AM Phl time kanina) nang makarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril kaya sila ay natakot.

Marami sa mga estudyante ang nagtago at ang ilan ay isinara ang kanilang mga silid aralan.

Ang nasabing paaralan ay mayroong 3,100 na populasyon ng mga estudyante ngayong taon.

Source link

Post Comments