19 patay, 40 sugatan sa tumagilid na bus sa Hong Kong

     6 months ago
32
Leave a Comment
7 SHARE

Umakyat na sa 19 ang naitalang patay makaraang bumangga at tumagilid ang isang pampasaherong bus sa Hong Kong.

Sa paunang ulat ng mga otoridad sa Hong Kong, pasado alas-sais ng gabi ng maganap ang aksidente sa bahagi ng Tai Po Road.

Galing ang double-decker na KMB 872 Bus sa Tai Po Centre papunta sa Sha Tin District ng maganap ang aksidente.

Sinabi ng ilang mga nakaligtas sa aksidente na napansin nilang masyadong mabilis ang sinasakyan nilang bus bago nawalan ng kontrol ang tsuper nito.

Kabilang sa mga namatay ay labingpitong mga kalalakihan at dalawang babae samantalang mabilis namang isinugod sa iba’t ibang mga pagutan ang halos ay 40 mga sugatan.

Karamihan sa mga namatay ayon sa mga rescuers ay naipit ng tumagilid na bus.

Wala namang natanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs kung may Pinoy na nasama sa mga nasawi at mmga nasugatan.

Source link

7 SHARE

Post Comments