2 arestado matapos mahulihan ng iligal na droga sa Oplan Sita sa Taguig

     2 months ago
8
Leave a Comment
0 SHARE

Sa kulungan ang bagsak ng 2 lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang Oplan Sita ng Taguig Police.

Alas-3:05 kahapon nang naaresto sa may bahagi ng C6 road, Brgy. Hagonoy ang unang suspek na si Edmund De Castro, 42 taong gulang.

Nakuha mula sa kanya ang 1 pakete ng hininalang shabu.

Makalipas ang 25 minuto, sa may bahagi naman ng Magsaysay extension, Brgy New Lower Bicutan, natimbog din si Anthony Reyes, 36 taong gulang na nakuhanan ng 2 pakete ng hinihinalang shabu.

Isususumite sa PNP Crime lab ang naturang mga ebidensya.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165.

Source link

0 SHARE

Post Comments