2 bagyo sa labas ng bansa, patuloy na hahatak sa Habagat

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Patuloy na hahatakin ng dalawang bagyo sa labas ng bansa ang Habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, namataan ang bagyong may international name na ‘Leepi’ sa layong 1,965 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Hindi naman ito inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility.

Ang dating Bagyong Karding naman na may international name nang ‘Yagi’ ay nag-landfall na sa China at huling namataan sa layong 960 kilometro Hilaga ng Extreme Northern Luzon.

Dahil sa Habagat na hinahatak ng dalawang bagyong ito, mararanasan pa rin ang tuloy-tuloy na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON at Mindoro Provinces.

Paminsan-minsang mga pag-ulan na minsan ay may kalakasan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Palawan at Bicol Region.

Sa buong Visayas at Mindanao ay magandang panahon ang mararanasan na may posibilidad lamang ng mga pag-uulan dulot ng localized thuderstorms.

Nakataas ang gale warning sa halos kabuuan ng karagatan ng Luzon maliban na lamang sa Pampanga at Bulacan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments