2 drug suspects, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Pasig

     5 months ago
30
Leave a Comment
6 SHARE

 

Patay ang dalawang drug suspects makaraan umanong manlaban sa mga pulis sa West Bank Road Brgy. Manggaahan Pasig City.

Ayon kay Police Sr. Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig City police, nagsagawa ng buy bust operation ang kanilang Drug Enforcement Unit nang maganap ang engkwentro.

Isang Kimron Fontejon alyas Kim at isang hindi pa kilalang lalaki na kasama nito na sakay ng isang motorsiklo ang katransaksiyon ng mga operatiba sa lugar.

Nang matunugan na pulis ang kanilang katransaksiyon, pinaputukan umano ng mga suspek ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba na naging sanhi ng kamatayan ng 2 suspek.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente.

Source link

6 SHARE

Post Comments