2 kasong pagpatay isinampa vs 2 pulis na sangkot sa Arnaiz-De Guzman slay case

     8 months ago
23
Leave a Comment
4 SHARE

Nagsampa ang Department of Justice (DoJ) ng dalawang kasong kriminal laban sa mga pulis na umano’y sangkot sa pagkamatay ng mga teenagers na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman na napatay ng PNP sa raid sa Caloocan City noong Agosto 2017.

Ang mga pulis na sina Police Officer 1 Jeffrey Perez and Police Officer 1 Ricky Arquilita ay sinampahan ng kasong murder sa Caloocan City Regional Trial Court matapos nakitaan ng DoJ panel na mayroong probable cause para kasuhan ang dalawang pulis.

Kabilang din sa mga kasong isinampa laban sa dalawang pulis ay torture at planting of evidence na nasa ilalim ng Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Inabsuwelto naman ng DoJ ang driver ng taxi na si Tomas Bagcal na idinadawit sa kaso dahil umano sa kawalan ng probable cause.

Agosto 28 noong nakaraang taon nang mahanap ang bangkay ni Arnaiz sa isang morge 10 araw matapos itong mawala.

Ang katawan naman ni De Guzman ay natagpuan sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija.

Sinasabing magkasama ang dalawa sa Cainta, Rizal noong August 18 bago sila nawala.

Source link

Post Comments