2 miyembro ng Abu Sayyaf sumuko sa Basilan

     6 months ago
22
Leave a Comment
7 SHARE

 

Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa mga sundalo sa Basilan, Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), kusang tumungo ang dalawa sa 74th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Al-Barka, Basilan.

Pawang mga taga-Basilan din ang mga miyembrong sumuko – isa ang residente ng Tipo-Tipo habang ang isa naman ay taga-Al Barka.

Bilang mga dating bandido, may bitbit din na dalawang matataas na kalibre ng armas ang mga ito na kinailangang isuko sa mga otoridad bilang bahagi ng kanilang pag-suko.

Source link

7 SHARE

Post Comments