2 patay, 10 sugatan matapos tumagilid ang isang trak sa Cebu

     2 months ago
10
Leave a Comment
7 SHARE

Patay ang dalawa katao habang sugatan naman ang sampu matapos tumagilid ang isang trak sa Toledo, Cebu, Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Maria Janila Bantoy, 52-anyos at Antonieta Villamia, 53-anyos.

Sugatan naman ang dalawang bata na may edad walo at 16.

Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang trak na magdadala sana ng mga gulay sa Carbon public market.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulis ang drayber na trak na si Roswel Sumbilon na pawang sugatan din dahil sa insidente.

Source link

7 SHARE

Post Comments