2 patay, 70 sugatan sa banggaan ng dalawang tren sa Amerika

     2 months ago
9
Leave a Comment
5 SHARE

 

Dalawa ang patay samantalang nasa mahigit 70 pa ang nasugatan sa banggaan ng dalawang tren sa South Carolina, USA.

Sangkot sa trahedya ang isang Amtrak passenger train at isang CSX freight train na nagsalpukan sa lugar ng Cayce, dakong alas 2:45 ng hapon, Linggo oras sa Amerika o alas 3:45 ng hapon, oras sa Pilipinas.

Galing ng New York at patungong Miami ang Amtrak passenger train No. 91 at binabaybay na ang lugar ng Cayce, nang makasalpukan nito ang freight train.

Dahil sa lakas ng banggaan, nadiskaril ang ‘lead engine’ ng pampasaherong tren na tinatayang may lulan na 139 na pasahero at walong crew.

Sa kasalukyan, iniimbestigahan na ng National Transportation Safety Board (NTSB) ang naging dahilan ng banggaan.

Source link

5 SHARE

Post Comments