2 pulis na dinukot ng Abu Sayyaf sa Sulu, nakalaya na – report

     1 hour ago
11
Leave a Comment
4 SHARE

ZAMBOANGA CITY – Pinalaya na umano ngayon ang dalawang pulis na dinukot ng mga Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa source, unang pinalaya kahapon si PO1 Dinah Gumahad habang sinundan naman ang paglaya dakong alas-10:25 kaninang umaga ng isa pang pulis na si PO2 Benierose Alvarez sa may Barangay Samak, Talipao.

Base naman sa ibang impormasyon na noong pang ika-5 ng Mayo pinalaya ng mga kidnapper si Gumahad subalit nitong Martes lamang umano siya sinamahan sa headquarter ng Joint Task Force Sulu.

Hindi pa naglabas ng anumang ulat ang Joint Task Force Sulu at ang kapulisan ukol sa napabalitang paglaya ng dalawang binihag na pulis.

Hindi pa matukoy ngayon kung magkano ang binayarang ransom money sa mga kidnapper kapalit ng paglaya ng mga pulis.

Matatandaan na una na ring kinumpirma mismo ng Philippine National Police (PNP) na humihingi noon ng P5-milyon halaga ng ramson money ang mga kindapper para sa dalawang pulis.

Ang mga biktima ay dinukot noong Abril 29 sa Barangay Liang sa munisipyo ng Patikul kasama ang driver ng tricycle na kanian sianskayan at ang isa apang lalaki.

Una na ring pinalaya ang 2 lalaking bihag na napaulat ding hiningan ng P300,000 ransom money ng mga kidnapper.

Sa walang tigil na search and rescue operation ng militar sa bulubunduking bahagi ng Sulu upang makuha ang dalawang pulis, nasa tatlong sundalo na rin ang nasawi habang hindi bababa sa 20 ang mga nasugatan sa magkakahiwalay na sagupaan laban sa Abu Sayyaf.

Umaabot na rin sa 12 ang mga nakumpirmang napapatay mula naman sa panig ng Abu Sayyaf na kabilang umano sa mga kidnapper na may hawak sa dalawang pulis.

Source link

Post Comments