2 sa 3 brgy. tanod na sangkot sa shooting incident sa Mandaluyong, hawak na ng PNP

     4 months ago
12
Leave a Comment
3 SHARE

Sumuko na kagabi sa mga pulis ang isa sa mga barangay tanod na dawit sa nangyaring pamamaril sa lungsod ng Mandaluyong.

Kinilala ang tanod na si Ernesto Fajardo, 69-anyos.

Batay sa kanyang sinumpaang salaysay, namataan niya umano na may dalang baril ang dalawa sa kanyang mga kasamahan na sina Gilberto Gulpo at William Duron na bumaba sa isang sasakyang pagmamay-ari ng barangay.

Aniya, tumakbo umano siya papalayo sa kanila dahil daw sa takot.

Base sa report, isang Jonalyn Ambaan ang nabaril at nasugatan ng isang LPG delivery man sa Barangay Addition Hills bandang 10:20 kagabi at isinakay sa isang AUV ng mga kasamahan para dalhin sa pagamutan.

Nang naisakay na si Ambaan sa AUV para dalhin sa ospital, bumuntot naman sa kanila ang isang L300 van na sakay sina Fajardo, Gulpo at Duron na siya namang nagpaputok sa sasakyan na napagkamalan nilang “get-away vehicle.”

Maging ang mga rumespondeng pulis ay nagpaputok din sa nasabing sasakyan matapos sabihin ng mga barangay tanod na sakay doon ang armadong suspek.

Una nang itinanggi ni Duron na may dala itong baril.

Napag-alamang nasa kamay na ng mga pulis si William Duron kahapon pa ng umaga at nakatakdang sumailalaim din ito sa paraffin test para alaim kung isa ito sa mga nagpaptuok ng baril.

Habang si Gulpo naman ay patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad.

Source link

Post Comments