2 snatcher ng cellphone arestado sa Sampaloc, Maynila

     5 months ago
22
Leave a Comment
5 SHARE

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang 18 taong gulang na mga binata matapos silang maaresto dahil sa salang panghahablot ng cellphone sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Jimbert Abaygar at Joshua Uy.

Ayon sa biniktima ng dalawa, nakasakay siya sa isang jeep para makauwi nang pagdating sa P. Campa Street ay biglang sumampa sa kanyang sinasakyang jeep si Abaygar, sabay kuha sa kanyang cellphone.

Agad na ipinasa ni Abaygar ang ninakaw na cellphone kay Uy bago kapwa tumakas.

Matapos ang insidente ay kaagad na lumapit ang biktima sa Uba Police Community Precinct (PCP) na silang nagsagawa ng follow up operation at nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.

Positibong kinilala ng biktima ang mga suspek.

Sa kasamaang palad, hindi na naibalik pa sa biktima ang kanyang cellphone.

Kakasuhan ng biktima sina Abaygar at Uy ng robbery snatching.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments