2 sugatan sa aksidente sa Taguig

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Dalawang sakay ng motorsiklo ang nasugatan makaraang bumangga ito sa isang taxi sa Barangay Pinagsama, Taguig City kaninang madaling araw.

Isa sa mga nasugatan ay nakilalang si John Michael Esmeralda base sa ID ng Philippine Navy na nakita sa kaniya.

Kapwa hindi nakasuot ng helmet ang dalawa.

Ayon sa Police Community Precinct (PCP) 8 ng Taguig City police, palabas ng underpass ang taxi nang biglang sumalubong ang motorsiklo.

Kwento naman ng mga nakasaksi, pagewang-gewang matulin umano ang takbo ng motorsiklo na nag-counterflow pa kaya nabangga sa taxi.

Nasa kustodiya na ng Traffic Bureau ng Taguig City ang taxi driver habang patuloy ang imbestigasyon sa nangyari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments