2 sundalo patay sa bakbakan ng militar at mga rebelde sa Jones, Isabela

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Patay ang dalawang sundalo habang tatlo ang sugatan sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA sa Jones, Isabela.

Ayon kay Captain Jefferson Somera, tagapagsalita ng 5th Infantry Division ng Philippine Army, inatake ng mga rebelde ang isang military patrol sa Sitio Diarao Baba, Barangay Dicamay Dos, dakong 4:47 madaling araw ng Biyernes (August 10).

Tumakas ang mga rebelde patungo sa kabundukan.

Nabatid na nagsasagawa ng combat patrol ang mga tauhan ng 502nd Infantry Brigade nang makasalubong nila ang mga rebelde.

Hindi pa kinilala ang dalawang sundalong nasawi dahil kailangan munang masabihan ang kanilang mga pamilya.

Ang tatlong sugatang sundalo ay ginagamot na sa isang pampublikong ospital sa bayan ng Cauayan.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments