2 turista, nahuling naglalaro ng golf sa Mayon danger zone

     5 months ago
23
Leave a Comment
3 SHARE

 

Sa ikatlong pagkakataon simula nang mag-alburoto ang Bulkang Mayon ay mayroon na namang nahuli ang mga otoridad na mga banyagang turistang nasa loob ng danger zone.

Sa pagkakataong ito, naglalaro ng golf ang dalawang mga turista sa loob ng 7-kilometer danger zone sa Barangay Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, Albay.

Kinilala ang mga Amrikanong turista na sina Joe Smith at Mario Robles na mga miyembro ng Legazpi City Golf Club.

Ayon kay Senior Inspector Genevieve Usurin, pumuslit ang dalawang Amerikano sa lugar mula sa Barangay Padang sa Legazpi.

Agad namang pinaalis ang mga turista.

Muling nagpaalala ang mga otoridad na huwag munang pumasok sa loob ng danger zone, bagaman mistulang humuhupa na ang pag-aalburoto ng bulkan.

Samantala, nananatili ang Alert Level 4 para sa Mayon. Sa loob ng 24 na oras ay nakapagtala lamang ang PHIVOLCS ng tatlong mga pagyanig at walong rockfalls.

Source link

3 SHARE

Post Comments