‘2-yrs. walang komunikasyon, akala namin OK sya’ – ama ng Pinay sa freezer

     2 months ago
35
Leave a Comment
14 SHARE

ILOILO CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya ni Joanna Daniela Dimafelis, ang Pinay na pinatay at inilagay sa freezer sa Kuwait.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni Crisanto Dimafelis, ama ni Joanna, hangad nilang mapanagot ang mga responsable sa pagpaslang sa kaniyang anak.

Panawagan din nito sa mga kinauukulan na tulungan silang makauwi sa Iloilo ang labi ng Ilongga OFW.

Ayon sa ama, wala silang kaalam-alam na may masama na palang nangyari sa anak.

Dalawang taon na aniya silang nawalan ng komunikasyon kay Joanna.

Ngunit nagkampante aniya sila dahil sinasabi noon ng anak na mabuti naman ang kalagayan nito sa Kuwait.

Kaya laking gulat nila ayon kay Mr. Dimafelis nang malaman nila nitong nakalipas na Biyernes na patay na pala ang anak.

Source link

Post Comments