2019 elections tuloy hangga’t walang Charter change – Palasyo

     8 months ago
24
Leave a Comment
3 SHARE

Tiniyak ng Malacañang na magkakaroon ng halalan sa 2019 hangga’t hindi nababago ang Konstitusyon.

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng magkaroon ng “no-elections scenario” sa 2019 kung matutuloy ang itinutulak na federalismo o pagbabago sa porma ng gobyerno.

Sinabi ni Sec. Roque, nananatiling gabay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Konstitusyon sa pamamalakad sa gobyerno at hindi niya papayagang malalabag ito.

Ayon kay Roque, itinakda sa Konstitusyon na magkaroon ng eleksyon sa 2019 kaya kung walang pag-amyenda rito, tuloy ang naitakdang 2019 elections.

Magugunitang naghamon si Pangulong Duterte na itatag na ang federal form of government at agad siyang baba sa pwesto.

“Again, the President always looks to the Constitution as his guiding document. The Constitution sets the date for the next elections in 2019. So unless the Constitution is amended ahead of the 2019 elections, it will have to push through,” ani Sec. Roque.

Source link

Post Comments