24 MILF members pinigil sa detachment ng militar sa Maguindanao

     2 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

(Update) CENTRAL MINDANAO – Pinigil sa detachment ng militar ang umaabot sa 24 na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director S/Supt Agustin Tello, dumaan umano sa detachment ng 40th Infantry Battalion Philippine Army dakong alas-6:15 kagabi sa Brgy. Milib, Sultan Sabarongis, Maguindanao ang ang mga MILF members na nasa ilalim ng  06th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF)  sa pamumuno ni Kumander Orly Gampong na sakay ng isang Bongo truck.

Dahil dito, pinigil ng mga sundalo ang grupo ni Gampong na armado ng matataas na armas at saka dinis-armahan.

Kabilang sa mga baril na dala ng MILF na walang kaukulang dokumento ang umaaot sa 18 mga M16 armalite rifles, limang M14 rifles, isang M16 armalite rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher, mga magazine at mga bala.

Makalipas ang ilang oras ay pinakawalan din ang mga ito at tinurn-over sa GPH-MILF Coordinating Committee on Cessation of Hostilities (CCCH) dahil sa umiiral na tigil putukan sa nagpapatuloy na usapang pangkapayaan sa Mindanao.

Sinasabing wala umanong koordinasyon ang pagdaan ng MILF forces kaya itoy pinigil ng militar sa kanilang detachment.

Source link

Post Comments