260 na mga OFWs mula Kuwait, dumating sa bansa ngayong umaga

     6 months ago
24
Leave a Comment
76 SHARE

Dumating sa bansa ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na galing ng sa bansang Kuwait.

Ang mga OFW ay sakaya ng flight PR 669 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Lunes ng umaga.

Sinalubong sila ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnel Ignacio.

Nang tanungin kung meron pa ba sa kanilang may nais na bumalik ng Kuwait, isang malakas na “wala na!” ang isinagawa ng mga umuwing OFWs.

Halos wala umano silang tulog sa 14 na oras na biyahe dahil excited silang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Bibigyan ng P5,000 financial assistance ng OWWA ang mga umuwing OFWs at P20,000 livelihood assistance para makatulong na makapagsimula sila ng maliit na negosyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

76 SHARE

Post Comments