28 sugatan nang mahulog ang sinakyang bus sa bukid sa La Union

     2 months ago
22
Leave a Comment
0 SHARE

LA UNION – Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nahulog na bus sa bukid na ikinasugat ng 28 pasahero sa kahabaan ng Naguilian-Baguio Road sa Brgy. Bato sa bayan ng Naguilian, La Union nitong Huwebes ng ala-1:20 ng hapon.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Naguilian Police Station, galing umano sa lungsod ng Baguio at patungo sa lalawigan ng Abra ang naturang bus na minamaneho ni Froilan Purruganan, 29, ng Brgy. Tanqui, lungsod ng San Fernando, La Union.

Base sa salaysay umano ng driver ay nagkaroon ng mechanical error o pumalya ang preno ng minamaneho nitong sasakyan kaya dumeritso at nahulog ito sa bukid na tinatayang anim na talampakan ang taas mula sa kalsada.

Tumagilid umano ang bus ng lumapag ito sa nasabing lugar.

Napag-alaman ding umaabot sa 35 ang kabuuang sakay na pasahero ng naaksidenteng bus.

Nagtamo naman ng minor injuries sa katawan ang 28 pasahero na isinugod sa Naguilian District Hospital.

Sa ngayon, inaalam pa rin ng pulisya ang mga maaaring pananagutan ng driver at maging ang operator nito dahil sa naturang aksidente.

Source link

Post Comments