2nd package ng tax reform law, isusumite na ngayong Enero – DOF

     3 months ago
10
Leave a Comment
4 SHARE

Pinaplano na ngayon ng Department of Finance (DOF) na mag-sumite sa Kongreso ng mga panukalang lalamanin ng ikalawang package ng tax reform program.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, target ng tanggapan na mai-submit ang nasabing plano bago matapos ang Enero, sa kabila ng orihinal na planong Oktubre.

Ito ay dahil umano sa pagbibigay pansin ng pamahalaan sa first package, pati na ang naunang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte rito nitong Disyembre, kung saan tinapyasan ang personal income tax habang pinalawig naman ang value-added tax (VAT).

Sa ilalim ng second package, target namang bawasan ang rate ng corporate tax sa 25 percent, gayundin na maayos ang fiscal incentives.

Limang tax reform packages ang ipinapanukala ng DOF na naglalayong mabago ang sistema ng buwis sa bansa.

Source link

Post Comments