3 Abu Sayyaf, sumuko sa militar sa Sulu

     5 months ago
21
Leave a Comment
17 SHARE

 

Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 1 (MBLT 1) sa Luuk, Sulu.

Kinilala ang mga nagsisukong bandido na sina Hajat Abbang, 38-anyos ng Bgy. Kan Bulak sa bayan ng Luuk, Kirah Ainazri, 20, at Sani Jawad, 18-anyos ng Bgy. Buanza.

Unang sumuko sa mga sundalo si Abbang, na sinundan nina Ainazri at Jawad.

Kasabay nito, isinurender rin ng tatlo ang ilang high powered firearms sa mga tauhan ng MBLT 1 sa pangunguna ni Ltc. Stephen Cabanlet.

Agad namang isinalang sa medical at custodial debriefing ang mga sumukong bandido sa Camp Heneral Teodulfo Bautista Trauma Hospital sa Bgy. Busbus, Sulu.

Nitong mga nakaraang mga buwan, ilang miyembro na ng Abu Sayyaf ang sumuko sa Joint Task Force Sulu sa ilalim ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana.

Source link

17 SHARE

Post Comments