3 bata patay sa sumabog na bala ng M203

     7 months ago
23
Leave a Comment
7 SHARE

Patay ang tatlong bata sa sumabog na granada sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur kagabi.

Ayon kay Capt. Rodulfo Cordero na siyang tagapagsalita ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army, naganap ang pagsabog sa bahay ng isang Reger Galdiano sa Sitio Nepture sa Barangay Diatagon pasado alas-sais ng gabi.

Sinabi ni Cordero na agad na rumesponde ang mga sundalo ng 75th Infantry Battalion at mga pulis-Lianga.

Napag-alamang pinaglaruan ng biktimang si Renz Galdiano, tatlong taong gulang ang isang M203 grenade launcher ammunition na kalaunan ay sumabog.

Nasawi rin ang kanyang kapatid na si Reden, isang taong gulang at Rynna Tui, 12-anyos.

Ayon kay Cordero, iniimbestigahan ang ama ng mga biktima para tukuyin kung saan at paano niya napasakamay ang M203 ammunition.

Source link

7 SHARE

Post Comments