3 CAFGU patay sa engkwentro sa Masbate

     1 month ago
16
Leave a Comment
6 SHARE

Patay ang tatlong CAFGU makaraang makaengkwentro ang mga tauhan ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mactan bayan ng Cawayan sa lalawigan ng Masbate bandang 8:30 ng umaga ng Biyernes (August 3).

Ayon sa ulat ng Masbate Provincial Police Office, nagsasagawa ng combat patrol operations sa Brgy. Mactan ang mga tauhan ng CAA Detachment ng 2 Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Barangay Del Carmen, Uson, Masbate nang makasagupa ang hindi pa mabilang na miyembro ng NPA.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok kaagad na nasawi ang tatlong miymebro ng CAFGU habang hindi pa mabatid ang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa hanay ng mga rebelde.

Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga tauhan ng militar sa nasabing lugar sa mga nakatakas na miyembro ng New People’s Army.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

6 SHARE

Post Comments