3 patay, 1 sugatan sa Cordillera dahil sa hagupit ng habagat

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

BAGUIO CITY — Patay ang tatlong katao habang isa naman ang sugatan sa patuloy na nararanasang moonsoon rains sa Cordillera region.

Ayon sa Office of Civil Defense Cordillera, unang naitala ang pagkamatay ng isang lalaki sa Besao Mt. Province matapos mahulog sa bangin.

Nakilala ang biktima na si David Apaling, tubo at residente ng Besao, Mt. Province.

Batay sa report ng mga responders, posible umanong nadulas sa daan at nahulog ang biktima sa bangin dahil sa malakas na ulan kahapon.

Sa Baguio City, patay ang dalawang katao matapos matabunan ng gumuhong lupa sa isang construction site sa Sandico St., Salud Mitra Brgy.

Nakilala ang mga ito na sina Engr. Patrick Lachika, project engineer ng itinatayong condominium at ang HR officer na si Hannah Jean Aragon.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Baguio, nagmimeryenda raw ang naturang mga biktima nang biglang gumuho ang lupa sa paligid ng contruction site patungo sa kanilang barracks.

Samantala, nasa ligtas naman ang kalagayan ng isang ama matapos matabunan ng gumuhong riprap sa kanilang bahay sa Loakan proper, Baguio City.

Nakilala ang biktima na si Joshua Calvez Valencia, 24, residente ng Purok Magsaysay, Loakan proper, Baguio City.

Batay sa report ng pulisya, inaayos daw ng biktima ang riprap sa kabilang bahay nang biglang bumigay ito.

Agad namang sumaklolo ang kanyang kasama at nagtulong-tulong din ang mga pulis at ilang miyembro ng Bureau of Fire Protection ng Baguio upang mahukay ang mga bato.

Dahil sa malakas na impact ay nabali ang kanyang isang paa.

Source link

0 SHARE

Post Comments