3 patay sa sunog sa Sta. Cruz Maynila

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa sunog na naganap sa Blumentritt sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na natagpuang wala nang buhay ang tatlong katao na unang iniulat na nawawala.

Nakilala ang mga nasawi na sina Zardy Luna, 37 at Angelito Jumares, 52 anyos na unang natagpuan na halos nasa ground floor na bahagi ng gusali.

Kalaunan natagpuan din ang katawan ng isa pang biktima na si Dennis Magdaet, 30 anyos.

Ang nasunog ay ang gusali ng Charipp Trading, na naglalaman ng mga linoleum, school supplies, at mga kurtina.

Pawang manggagawa ng kumpanya ang tatlong nasawi.

Nagsimula ang sunog alas 3:08 ng madaling araw at mula sa 3rd floor ay nakababa pa ang tatlong biktima sa ground floor ng gusali pero doon na sila nakulong matapos bumagsak na ang mezzanine.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments