3 sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Cavite

     7 months ago
24
1 Comment
4 SHARE

Sugatan ang tatlong katao sa aksidente ng naganap sa Noveleta, Cavite Biyernes (Jan. 26) ng madaling araw.

Sangkot sa aksidente ang isang L300 van at isang 6-wheeler truck sa kahabaan ng Centennial Road.

Ayon sa Philippine Red Cross, naganap ang aksidente alas 2:03 ng madaling araw na agad nirespondehan ng kanilang teams mula sa Cavite chapter.

Dinala sa Divine Grace Hospital ang tatlong hindi nakilalang mga nasugatan.

Kapwa naman yuping-yupi ang unahang bahagi ng dalawang sasakyan dahil sa lakas ng pagkakabangga.

 

 

 

 

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments