3 taong gulang na bata patay makaraang aksidenteng mabaril ng 12-anyos na pinsan

     3 months ago
23
Leave a Comment
3 SHARE

Aksidenteng nabaril ng isang 12 taong gulang ang kanyang tatlong taong gulang na pinsan sa Barangay Adlaon sa Cebu City.

Namatay ang biktima matapos tamaan ng balang holen sa dibdib mula sa improvised na baril.

Pag-aari ng kanilang lolo ang baril na ginagamit panakot sa mga hayop.

Ayon sa ama ng tatlong taong gulan na babae, bumisita lamang ang mag-pinsan sa kanilang lolo.

Hindi naman magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima dahil hindi sinasadya ang insidente.

Isasailalim sa stress debriefing ang 12 taong gulang na lalaki.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments