300 brgy. officials na nasa narco-list OK kay Duterte isapubliko – PDEA

     3 months ago
46
Leave a Comment
10 SHARE

Nakatakdang pangalanan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga anumang araw ngayong linggo.

Kinumpirma ni PDEA Director General Aaron Aquino nakatanggap na sya ng “go signal” kay Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang mga barangay officials na nasa narco-list.

Sinabi ni Aquino na nakapaloob umano sa “validated list” ang nasa 211 barangay officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya, 293 daw ang kabuuang bilang na ito pero marami na umanong naaresto at namatay kaya 211 na lang ang natira.

Nakatakda namang kausapin ni Aquino si Interior and Local Government OIC Eduardo Año kung paano ang gagawing paglalabas ng listahan at kung ano ang magiging guidelines.

Paliwanag pa ng PDEA chief, batay sa kanilang inisyal na plano ika-classify nila ang mga barangay officials na umano’y protektor ng iligal na droga, gumagamit ng iligal na droga at tulak ng iligal na droga.

Bukod sa 211 barangay officials, nasa 93 vice mayors, mayors at iba pang matataas na opisyal ang sangkot din daw sa illegal drug trade.

Source link

Post Comments