30,000 pamilya apektado ng malawakang pagbaha sa Cam Sur

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

NAGA CITY – Aabot sa mahigit 30,000 pamilya na ngayon ang inilikas sa lalawigan ng Camarines Sur dahil sa walang humpay na buhos ng ulan dala ng tail end of a cold front.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Che Bermeo, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Camarines Sur, nabatid na ang naturang mga residente ay galing sa mahigit 100 barangays mula sa kabuuang 24 na bayan na apektado ng malawakang pagbaha mula pa kahapon.

Ngayong araw, nakatakda namang mamigay ng mga food packs ang provincial government habang una nang namigay ng tulong kagabi ang iba’t ibang LGU.

May naitala ring landslide sa anim na mga barangay mula sa mga bayan ng Lagonoy, San Jose, Caramoan at Presentacion.

Samantala, patuloy naman na pinaghahanap ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) Camarines Sur ang limang mangingisda mula sa mga lumubog na motorized banca sa karagatang sakop ng bayan ng Tinambac at Caramoan.

Nabatid na nagpa-rescue sa isang grupo ng mga mangingisda ang dalawang mangingisda mula sa Catanduanes matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka ngunit nang patungo na sila sa pampang, lumubog din ang sinasakyang nilang motorized banca na naging dahilan upang magkahiwa-hiwalay ang 13 mga mangingisda.

Nasa siyam lamang sa kanila ang agad na na-rescue.

Sa bayan naman ng Caramoan, dalawang motorized banca rin galing sa bayan ng Presentacion ang pauwi na sana sa bayan ng Caramoan nang tumaob din ang kanilang sinasakyan.

Nailigtas ang tatlong mga mangingisda ngunit isa sa kanila ang patuloy pang nawawala.

Maswerte namang nailigtas ang 14 na mga tripulante ng isang fishing vessel mula pa sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa bayan ng Siruma

Source link

0 SHARE

Post Comments