39 anyos na ginang, kulong sa pagsinghot ng shabu sa Binondo

     2 months ago
8
Leave a Comment
3 SHARE

Kulungan ang kinasadlakan ng isang 39 anyos na ginang nang maaktuhan ng operatiba ng Station Drug Enforcement team ng Meisic Police Station-11 sa Binondo, Manila habang humihithit ng hinihinalang shabu.

Nabatid na habang nagpapatrolya ang operatiba ng mga pulis pasado alas 12:20 ng madaling araw ng linggo ay naaktuhan ang suspek na si Michelle Narro,39, may-asawa at Jobless habang sumisinghot ng ipinagbabawal na gamot sa panulukan ng Delpan at Lavezares, Binondo.

Batay sa report ni Supt. Amante Baraquiel Daro, Hepe ng Meisic PCP, narekober sa suspek ang isang aluminum foil na may residue pa umano ng shabu at isang lighter.

Dinala na sa MPD Crime laboratory ang mga narekober na ebidensiya habang inihahanda na rin ang mga dokumento para isalang sa inquest proceedings ang suspek at reklamong kriminal na isasampa laban dito.

Source link

3 SHARE

Post Comments