4 dayuhang terorista, patay sa AFP airstrike sa Maguindanao

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

CENTRAL MINDANAO – Patay umano ang apat na dayuhang terorista sa inilunsad na airstrike ng Philippine Air Force (PAF) sa Liguasan Delta sa lalawigan ng Maguindanao.

Kasama raw ang apat na dayuhan sa 23 mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group) na nasawi sa inilunsad na law enforcement operation ng Joint Task Force Central ng militar.

Una nang napabalita ang 15 foreign looking na kasama umano sa grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraifie ng BIFF-ISIS at Kumander Abu Walid ng DAESH terrorist group.

Ang grupo ni Toraifie ay may direktang ugnayan umano sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at Jemmaah Islamiyah.

Nakipag-alyansa rin ang BIFF sa Maute terror group, Abu Sayyaf at ibang local terrorist group.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ang bangkay ng mga terorista at pinaigting din ang operasyon ng Joint Task Force Central sa Liguasan Delta.

Source link

0 SHARE

Post Comments