4 patay sa engkwentro sa Quezon City

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Dalawang holdaper at dalawang tulak ng bawal gamot ang napatay sa magkahiwalay na police operation ng Quezon City Police District sa Brgy. Pinyahan at Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Unang napatay ang dalawang holdaper na aktong may binibiktima sa madilim na bahagi ng NIA Road.

Nabawi sa mga suspek ang mga gamit at motorsiklo ng biktima, habang tatlong baril naman ang dala ng dalawang nasawing holdaper.

Samantala, patay din ang dalawang tulak ng bawal na gamot sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Nauwi sa ekwentro ang buy bust operation ng QCPD Station 4, matapos na makatunog ang dalawang suspek na pulis ang kanilang ka transaksyon.

Nakuha sa mga suspek ang 12 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang baril, at 5 pesos na buy bust money.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments