4 patay sa pamamaril sa Fredericton, Canada

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi bababa sa apat na katao ang patay sa pamamaril sa eastern Canadian City na Fredericton, araw ng Biyernes (August 10).

Ayon sa Fredericton police, maaaring madagdagan pa ang bilang mga nasawi dahil nagpapatuloy ang mass shooting incident.

Sa serye ng post ng Fredericton police sa Twitter, hinimok nito ang mga residente na manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan at huwag munang lalabas.

May mga pulis, bumbero at paramedics na rumesponde na sa lugar, partikular sa Brookside Drive.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad, lalo’t blangko pa sila kung sino ang responsable sa krimen at ano ang motibo.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments